^

Probinsiya

15 solar e-jeep umarangkada na sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
15 solar e-jeep umarangkada na sa Nueva Vizcaya
Sinubukan nina LTFRB regional director Edward Cabase, Congresswoman Luisa “Banti” Cuaresma, Vice Governor Jose Tomas, Mayor Eufemia Dacayo at ilang mga opisyal ng lalawigan ang pagsakay sa solar electronic jeep na may rutang Solano-Bayombong kasabay ng isinagawang launching sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, kamakalawa ng tanghali.
Victor Martin

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nag-umpisa nang pumasada ang 10 sa 15 solar electronic jeep (e-jeep) sa Nueva Vizcaya matapos itong pormal na ilunsad ng First Novo Vizcayano Travelers Transport Cooperative (FNVTTC), Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) at lokal na pamahalaan ng lalawigang ito kamakalawa.

Ayon kay LTFRB regional director Edward Cabase sa Cagayan Valley, ang 23-passenger seat na kauna-unahan sa buong Region 2 ay dinisen­yuhan ng Star 8 Green Technology kung saan mayroon itong libreng Wi-Fi, charging para sa mga gadgets, TV monitor, closed-circuit television camera at mga maliliit na electric fan para sa mga pasahero.

“This is part of the national government’s Public Utility Vehicle Modernization Prog­ram,” pahayag ni Cabase.

Ayon pa kay Cabase ma­ging ang paraan ng pagbabayad ng mga pasahero ay sa pamamagitan na ng cards na maaaring malag­yan ng load kung saan automatic na may mga diskuwento sa mga estudyante o senior citizens.

Ayon naman kay Mars Cabungcal, chairman ng FNVTTC, ang 15 e-jeep na may rutang Solano-Bayombong, ang pinaka-commercial at educational na mga bayan ng lalawigan, ay nagkaroon ng libreng sakay kahapon, Sabado at ngayong araw, Linggo bago ang pormal na paniningil ng P15 na pasahe sa mga pasahero sa Lunes, Feb. 10.

Samantala, bagama’t pabor sa modernisasyon si Solano Mayor Eufemia Dacayo, kailangan din umanong paghandaan ang maaa­ring epekto nito lalo na sa mga maliliit na tricycle drivers na posibleng mawalan ng kita lalo na at karamihan sa mga pasahero ng Solano-Bayombong ay sa tricycle sumasakay.

Umalma rin si Rep. Luisa “Banti” Cuaresma at inalala ang maliliit na operators dahil sa mataas na presyo ng isang e-jeep na nasa humigit kumulang sa P2.3 milyon ang bawat isa mula sa dating P1.3 milyon.

vuukle comment

SOLAR ELECTRONIC JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with