^

Probinsiya

Lalaki utas sa tumbok ng SUV

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos salpukin ng isang SUV habang tumatawid sa kalsada na nasasakupan ng Barangay Dist.1, Cauayan City sa lalawigang ito, kamakalawa.

Kinilala ng Cauayan City PNP ang biktima na si Wilson Agustin, 59, residente ng Villa Domingo Angadanan, Isabela habang ang driver na suspek ay si Dindo Patad, 44, residente naman ng nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police, habang papatawid ang biktima sa nasabing kalsada nang aksidente na matumbok ng isang Mitsubishi Pajero na minamaneho ni Patad na noon ay patungo naman sa kalapit na bayan ng Reina Mercedes.

Agad rin na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit binawian pa rin ito ng buhay habang ginagamot ng mga doctor. Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa pulisya na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with