^

Probinsiya

Abo mula Taal volcano ‘di aabot sa Cagayan Valley

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Abo mula Taal volcano �di aabot sa Cagayan Valley
Kahapon habang ang ilang residente ay nagawa pang paliguan at linisan ang mga alagang hayop na kanilang iniligtas mula sa bukid dahil sa matinding ashfall sa Brgy. Bignay, Batangas.
STAR/Miguel de Guzman

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Malayo ang posibilidad na bumagsak sa Cagayan Valley ang abo na nagmumula sa Taal volcano dahil sa direksyon ng hanging amihan na nararanasan ngayon sa hilagang Luzon, ayon sa isang opisyal ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) sa Isabela kahapon.

Ayon kay Ramil Tuppil, resident meteorologist ng PAGASA sa Echague, Isabela; ang northeast wind direction sa higher atmospheric level mula Taal volcano ang siyang nagbubuga ng mga abo patungong dagat Pasipiko sa Aurora-Quezon area. 

Sa kabila nang pagbagsak ng abo sa parte ng Central Luzon, ang Cagayan Valley ay napapaligiran ng kabundukan ng Caraballos, Cordillera at Sierra Madre na pumipigal sa pagpasok ng ash clouds.

Ipinaliwanag ni Tuppil na ang pagbagsak ng temperatura sa Cagayan Valley sa 20.7 degrees kahapon ay dulot ng epekto ng northeast monsoon o amihan at walang koneksiyon ang ash clouds mula Taal.

Ang pinakahuling mababang temperaturang naranasan sa Cagayan Valley ay noong nakaraang Disyembre sa 18.6 degrees, dagdag ni Tuppil.

Ang pagkalat ng ashfall sa Central Luzon at Metro Manila ay nagbunsod ng espekulas­yon sa mga mamamayan ng Cagayan Valley na paulit-ulit nagtatanong kung masususpinde rin ba ang pasok sa trabaho o klase sa rehiyon.

vuukle comment

PAGASA

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with