18-anyos tiklo sa P.7 milyong shabu
CAVITE, Philippines – Nadakma ng puwersa ng Imus Police ang isang 18-anyos service crew na high value target (HVT) sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Malagasang 1-B, Imus City. Kinilala ang suspek sa alyas Kobe Andrei, residente ng B1, L2, Phase 5, Woodlane Subd., Brgy. Malagasang 1-B, Imus City, Cavite. Sa ulat, alas-2:50 ng madaling araw nang ilatag ang buy-bust ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Imus City Police at isa ang tumayong poseur buyer na nakipag-deal sa suspek.
Nang magpositibo ang transaksyon, dito na pinalibutan ng grupo ang suspek at inaresto.
Nakuha rito ang 103.06 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P700,400.
- Latest