^

Probinsiya

11 pa arestado sa ‘damo’ 2 rapper tiklo sa buy-bust sa resort

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
11 pa arestado sa �damo� 2 rapper tiklo sa buy-bust sa resort
Kinilala ng Ternate Police ang mga nasakoteng rapper na sina Mark Anthony Delos Santos, 27-anyos, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City at Paulo Manlod, 24, freelance rap artist ng Addition Hills, Mandaluyong City.
The STAR/Miguel de Guzman

CAVITE, Philippines — Arestado ang 13 katao kabilang ang da­lawang underground rap ­artists nang maaktuhang humihitit umano ng marijuana sa kanilang rap session sa kasagsagan ng buy-bust­ ­operation ng pulisya laban sa isang “tulak” sa isang beach resort sa Brgy. Sapang 1, Ternate, dito sa lalawigan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Ternate Police ang mga nasakoteng rapper na sina Mark Anthony Delos Santos, 27-anyos, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City at Paulo Manlod,  24, freelance rap artist ng Addition Hills, Mandaluyong City.

Kasama pa sa mga nadakip ang target sa buy-bust operation na si Raymart Ca­rizo, 25, ng Brgy. San Simon, Area C, Dasmariñas City at iba pa na sina Warren Mitante, 22; John Mark Yuson, 23; Mark Dennis Norega, 25, tattoo artist; Clarence Salcedo, 18;  Lou Ashley, 23; Prince Charlie Cruz, 23; Alex Reymundo, 23; Rizal Bayani, 26, call center analyst; Jopel Abedes, 18, at Steve Geronimo, 24, online seller.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon nang ikasa ng mga miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Ternate Police at PDEA sa pangunguna ni P/Captain Marlon Escalante ang buy-bust laban sa target suspect na si Carizo sa Sitio Kaynipa Beach Resort. Pagdating sa resort, humarap agad si Carizo sa tumayong poseur buyer at isinagawa ang abutan ng marijuana.

Nang magpositibo, dito na dinakma ng mga pulis si Carizo at naabutan pa ng mga awtoridad ang grupo ng kala­lakihan dito na nagsasagawa ng “damo session” taliwas sa sinasabing “rap session” kasama ang nabanggit na dalawang rapper.

 Narekober sa mga suspek ang 20 gramo ng marijuana na aabot sa halagang P200,000, mga tube at iba pang paraphernalia.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with