Van sinalpok ng tren: 2 dedo
MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi habang 17 ang sugatan matapos salpukin at kaladkarin pa ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang UV Express van sa cros-sing sa Brgy. Camambugan, Libmanan, Camarines Sur, kahapon ng tanghali.
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Jaime Victor Olarte, 12-anyos at Glenda Ravago, guro, nasa hustong gulang, at pawang mga residente ng Brgy. Impig, Sipocot.
Isinugod naman sa Libmanan District Hospital ang 17 sugatan kasama ang driver ng van na si Danilo del Mundo Diokno.
Sa ulat ni Staff/Sgt. Emy Rose Organis, tagapagsa- lita ng Libmanan Police, dakong alas-11:50 ng tanghali ay galing sa Sipocot patungong Naga City ang van (tempora-ry plate number 053210) na minamaneho ni Del Mundo.
Gayunman, pagdating ng van sa crossing ng riles at kalsada ay sinalpok ito sa kaliwa at hulihang bahagi ng paparating na tren.
Sa lakas ng pagkaka-bangga at tumilapon ang van ng nasa 15-metro.
Namatay noon din sina Olarte at Ravago na pawang nakasakay sa hulihang bahagi ng van.
- Latest