^

Probinsiya

Sports academy itatatag sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Sports academy itatatag sa Bulacan
Ito ang iprinisinta sa ginanap na 2nd Bulacan Sports Summit nitong nakalipas na linggo ma-tapos ang matagumpay na pagdaraos sa bansa ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
The STAR/ File


MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines  -- Nakalatag  na ang plano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang simulan ang pagtatatag ng Bulacan Sports Aca-demy sa taong 2020. 

Ito ang iprinisinta sa ginanap na 2nd Bulacan Sports Summit nitong nakalipas na linggo ma-tapos ang matagumpay na pagdaraos sa bansa ng 30th Southeast Asian (SEA) Games. 

Ayon kay Elizabeth Alonzo, pinuno ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO), ito ang pa­ngunahing programa ni Bulacan Gov. Daniel Fernando upang ma-ging tuluy-tuloy ang pagsasanay ng mga  Bulakenyong atleta.

Sa pagtatatag ng Bulacan Sports Academy, binigyang diin ni Alonzo na isa itong pagkakataon upang mapatibay ang curriculum sa Physical Education (PE) at Re-creation pati na sa mga pampublikong paaralan.Magiging malaking tulong din aniya ito upang maging prayoridad at matutukan sa pagsasanay ng mga atletang Bulakenyo ang mga laro kung saan may malakas na potensiyal gaya ng boxing, baseball, softball at swimming.

Samantala, nakiisa si Olympian boxer na si Mansueto “Onyok” Velasco sa Bulacan Sports Summit. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nakakuha ng medalyang Pilak sa ginanap na Summer Olympics sa Atlanta, Georgia, United States. Katuwang ng pamahalaang panlalawigan si Onyok bilang bahagi ng celebrity Basketball Team ng programang “Bola Kontra Droga” na inilunsad kamakailan ni Gob. Fernando.

vuukle comment

2ND BULACAN SPORTS SUMMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with