^

Probinsiya

Pagtatayo ng Kaliwa Dam, hirit ng mga magsasaka

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Pagtatayo ng Kaliwa Dam, hirit ng mga magsasaka
Tugon ito ng mga magsasaka sa hiling ni Presidential Adviser on Peace Process Secretary Carlito Galvez at tumatayong Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) ng gitnang Luzon, na suportahan ang proyektong Kaliwa Dam sa idinaos na asemble­ya ng mga magsasaka ng Anbuspa na ginanap sa gilid ng Bustos Dam.
dof.gov.ph

BUSTOS, Bulacan, Philippines — Isang resolusyon ang pinagtibay ng mga magsasaka ng palay sa Angat-Bustos-Pandi (Anbuspa) na humihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad nang pasimulan ang pagtatayo ng Kaliwa Dam.

Tugon ito ng mga magsasaka sa hiling ni Presidential Adviser on Peace Process Secretary Carlito Galvez at tumatayong Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) ng gitnang Luzon, na suportahan ang proyektong Kaliwa Dam sa idinaos na asemble­ya ng mga magsasaka ng Anbuspa na ginanap sa gilid ng Bustos Dam.

Ipinaliwanag ni Sec. Galvez na kung maitatayo ang Kaliwa Dam, mas lalaki ang alokasyong tubig para sa irigasyon ng mga magsasaka mula sa Angat Dam.

Positibo ang tugon dito ni Severino Santos, bagong chairman ng Anbuspa dahil aniya sa mahabang panahon hanggang sa kasalukuyan, 97% ng panga-ngailangan sa tubig ng Metro Manila ay nagmumula sa Angat Dam.

Pero kung maitatayo ang Kaliwa Dam, ani pa ni Santos, doon na kukuha ng suplay na 600 milyong litro kada araw ng tubig ang mga taga-Metro Manila. Ibig sabihin, 600 milyong litro rin ng tubig araw-araw ang maiiwan sa Angat Dam na magagamit nang husto hindi lamang bilang inuming tubig ng mga Bulakenyo, kundi para sa mga sakahan ng Bulacan.

Nagkakahalaga ang proyekto ng P12.2 bil­yon kung saan P10.2 bil­yon dito ay popondohan ng Official Development Assistance (ODA) mula sa China habang ang P2 bilyon ay magmumula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sa Bustos Dam iniim­bak ang mga sobrang tubig mula sa Angat Dam na nasa Norzagaray, Bulacan.

vuukle comment

KALIWA DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with