^

Probinsiya

Biyudong senglot kinatay sa pinasok na bahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, QUEZON, Philippines — Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng isang biyudo matapos siyang pagtatagain ng may-ari ng bahay na kanyang pinasok dahil sa sobrang kalasingan sa Barangay Inalig, bayang ito kamakalawa ng gabi. Patay agad sa lugar si Helario Amador, 68, ng Brgy. San Rafael samantalang tumakas ang suspek na si Salvador de Pedro. 

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:20 ng gabi nang pasukin ng biktima ang bahay ni de Pedro at nakatulog sa sahig dala ng labis na kalasingan. Nakita naman ito ng misis ni de Pedro na si Arlinda kaya sa sobrang takot ay isinumbong sa mister ang nabungaran. Palibhasa’t lasing din ang suspek ay ginising niya ang matandang biktima hanggang sa magkaroon na sila ng mainitang pagtatalo. Nagpunta umano sa kanilang kusina ang mister at kumuha ng gulok saka pinagtataga ang biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with