^

Probinsiya

6 dayong mandurukot natimbog

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY, Philippines — Kalaboso ang anim na dumayong kalalakihan matapos umanong mandukot ng mga mamahaling cellphone habang ipinagdiriwang ang Octoberfest ng ika-27 “Tugtugan at Sayawan sa Daan” (Tigtigan at Terakan Keng Dalan) sa Brgy. Balibago, dito sa lungsod, Linggo ng umaga.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Maj. Aries Gonzales, kinilala ang mga suspek na sina Donnie Takehara, 37, ng Batasan Hills, Quezon City; Edwin Del Rosario,46, binata, electrician, ng Fillinvest, Batasan, Quezon City; John Christopher Valeza, 22, ng Guadalupe Nuevo, Makati City; John Alvin Mendoza, 20, ng Eastwood Greenview, Rodriguez,  Rizal; Renante Sol, 31, ng Cortez Street, Batasan Hills, Quezon City at Jayson Ventura, 28, ng Ilang-Ilang Street, Payatas, Quezon City.

Nabatid na pasado-5:30 ng umaga, inireklamo ng mga biktimang sina Jay Salunga, 30, ng Nepo Subdivision ng lungsod at Catalino Tolentino ng Barangay Madapdap, Mabalacat City, ang mga suspek sa mga nagpapatrol­yang pulis na naging dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Nasamsam sa mga suspek ang limang cellphone na umano’y kanilang ninakaw na may halagang P22,000 at nakitaan pa sila ng 5 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Kasong theft at paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng mga suspek.

vuukle comment

MANDURUKOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with