^

Probinsiya

2 dedo sa salpukan ng trak at van

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Dalawang katao ang nasawi matapos makasalpukan ng kanilang sinasakyang delivery van ang kasalubong na trailer truck sa national highway ng Brgy. San Luis, Diadi, lalawigang ito kahapon  ng tanghali.

Kinilala ng Diadi Police ang mga nasawi na sina Jun Bautista, 39, ng Brgy. Minuli, Carangalan, Nueva Ecija at ang kasamahan nito na nakilala lamang sa pangalan na Rico.

Batay sa ulat ni P/Capt. Felix Mendoza, hepe ng pulisya rito, parehong tinatahak ng dalawang sasakyan ang highway sa magkasalungat na direksyon nang biglang umagaw umano sa linya ang Fuso wing van (CAN3340) na minamaneho ni Bautista sa pakurbadang bahagi ng daan na naging dahilan para sumalpok sa kasalubong na  trailer truck (ADY3235) na minamaneho naman ni Joebert Adilla, 35, ng Alulot, San Fernando Pampanga dakong alas-11:35 ng tanghali.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon pa ang driver ng van na si Bautista sa labas ng minamanehong sasakyan kung saan nakaladkad pa siya ng trak na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Idineklara namang dead-on-arrival ang pahinanteng si Rico nang isugod siya sa Diadi Emergency Hospital   sa nasabing bayan.

Agad na sumuko sa him­pilan ng pulisya ang driver ng trak.

vuukle comment

TRUCK

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with