^

Probinsiya

Iniwan ni misis, mister nilunod ang sarili

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinaniniwalaang lumusong sa ilog at nilunod ng isang 36-anyos na mister ang sarili upang wakasan ang lubos na pangungulila sa kanyang misis na overseas Filipino worker (OFW) sa Barangay Centro 2, Sanchez Mira, Cagayan noong Huwebes.

Sinabi ni P/Master Sergeant Boy Turingan na natagpuang lumulutang sa Baliw River ang bangkay ni Benny Mina dakong alas-7:00 ng umaga.

Nabatid na nabigong umuwi sa kanilang bahay si Mina noon pang Martes.

Ayon sa ina ng biktima, naging tulala, nakatingin sa malayo at naglalakad nang walang patutunguhan ang anak simula nang umalis ang misis nito upang magtrabaho sa ibang bansa.

Kinumpirma naman ni Municipal Health Officer Dr. Vivian Cachapero na siyang nagsagawa ng pagsusuri sa bangkay ni Mina na pagkalunod ang sanhi ng kamatayan ng huli.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with