^

Probinsiya

Masayang videoke inatake: Mister patay, 3 grabe

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalot ng karahasan ang masayang pagvi-video­ke ng isang pamilya at kanilang mga kaibigan matapos na pagsasaksakin ng kanilang sigang kapitbahay na ikinasawi ng isa sa Brgy. Sta Rosa, Mulanay, Quezon nitong Huwebes ng gabi.

 Kinilala ang nasawi na si Ronilo Cortez, 34-anyos, balut vendor na idineklarang dead-on-arrival sa Bondoc Peninsila District Hospital sa Catanauan dahil sa tinamong mga tama ng saksak sa katawan habang nilalapatan ng lunas ang misis nito na si Michelle Cortez, 35 at mga kaanak na sina Jackilou Cortez at Ligaya Ansenso, 54, kapwa nagtamo ng mga sugat sa katawan.

 Sa report ng Quezon Police, bandang alas-6:40 ng gabi habang nagkakantahan ang mga biktima sa bahay ng isang kapamilya sa Brgy. Sta Rosa, Mulanay nang biglang pumasok sa nasabing tahanan ang suspek na si Sevireno Brasa, 35, na armado ng bagong hasang patalim. Bigla na lamang umano nitong pi-nagsasaksak si Cortez at tatlong babaeng kasama nito sa kasayahan.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang patalim na ginamit sa krimen pero nasakote rin ng pulisya matapos ang ilang oras.

vuukle comment

INATAKE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with