^

Probinsiya

3 dedo sa motorcycle crash, 1 malubha

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Patay ang tatlong mister habang malubha ang kalagayan ng isa matapos masangkot sa magkakahiwalay na aksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa bayan ng Solana at Lal-lo, Cagayan at Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, pauwi mula sa isang laklakan si Jerwin Bangayan, 22 at angkas na si Nong Nong Ledesma, 20, nang mawalan sila ng kontrol sa pabulusok at kurbadang highway at salpukin ang steel barrier ng isang bodega dakong alas-12:30 ng hatinggabi sa Brgy. Gadu, Solana.

Kapwa isinugod ng mga sumaklolo sa pagamutan ang dalawa subalit idineklarang patay si Bangayan habang agad namang nilapatan ng lunas ang sugatang si Ledesma.

Sa bayan ng Lal-lo, dead-on-arrival din sa pagamutan si Jerry Inocentes, 55, matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong poste ng kuryente sa Brgy. Catayauan dakong alas-8:30 ng gabi.

Katulad din ng sinapit ni Inocentes ang sinapit ng biktimang si James Antonio, 41, nang sumalpok din ito sa isang poste ng kuryente sa kurbadang bahagi ng highway sa Brgy.Talingaan sa Laoag City dakong alas-10:16 ng gabi.

vuukle comment

MOTOR ACCIDENT

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with