^

Probinsiya

2 salvage victim natagpuan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite  , Philippines  —  Dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito na hinihinalang mga biktima ng salvage kahapon.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 ng madaling-araw nang unang matagpuan sa Coastal Bay ng  Brgy. San Rafael 4, Noveleta, Cavite ang isang bangkay ng lalaki na tinatayang may edad na 30-35 habang  ang pa­ngalawang bangkay na nasa 18-23 anyos ay nadiskubre bandang alas-7:00 ng umaga sa Masaito Drive, Brgy Molino 3, Bacoor City.

Ito ay may suot na asul na jacket, maong shorts at brown sandals. Nakagapos ng alambre ang mga kamay ng biktima at may takip na packing tape ang bibig. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa mga insidente upang makilala ang mga biktima at magkaroon ng lead sa mga kaso.

vuukle comment

CRIME

SALVAGE VICTIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with