^

Probinsiya

De La Salle-Lipa nakatanggap ng bantang mass shooting, online class ipinatupad

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
De La Salle-Lipa nakatanggap ng bantang mass shooting, online class ipinatupad
Sa ibinahaging impormasyon ng magulang ng isang estudyante ng paaralan, nakatanggap sila ng isang screen shot ng pag-uusap ng dalawang indibidwal na nagsasabing may susunod umano na mass shooting na mangyayari sa De la Salle.
De La Salle Lipa

BATANGAS, Philippines — Nagpatupad ng isang linggong online class ang pamunuan ng De La Salle Lipa dahil umano sa lumabas na threat sa social media.

Sa ibinahaging impormasyon ng magulang ng isang estudyante ng paaralan, nakatanggap sila ng isang screen shot ng pag-uusap ng dalawang indibidwal na nagsasabing may susunod umano na mass shooting na mangyayari sa De la Salle.

Dahil doon, nagdesisyon ang pamunuan ng paaralan na gawing online ang klase mula July 6 hanggang July 11 para makapaglagay ng walk-through metal detectors sa school entrance.

Nagpatupad din ang paaralan nang mas mahigpit na mga hakbang sa seguridad, kabilang ang masusing pag-inspeksyon sa mga bag sa lahat ng school entrance.

Sinabi rin ng paaralan na mahigpit itong nakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) upang higit pang mapalakas ang kanilang seguridad at mga hakbang sa pagtugon sa mga emergency.

Matatandaang nagsuspinde rin ng klase ang Batangas City Integrated High School noong nakaraang linggo matapos makatanggap ng online threat mula sa isang 17-anyos na estudyante.

DE LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with