^

Probinsiya

North Cotabato gov, sinuspinde ng 90-araw

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
North Cotabato gov, sinuspinde ng 90-araw
Sa 7-pahinang reso­lusyon ng anti-graft court, inatasan nito ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang suspension order at dapat ipagbigay-alam sa korte ang aksyong ginawa nito sa loob ng 15-araw matapos matanggap ang kutusan.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Pinatawan ng 90-araw na suspensyon ng Sandiganbayan 6th Division si North Cotabato Governor Nancy Catamco dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng P5-milyong fertilizer.

Sa 7-pahinang reso­lusyon ng anti-graft court, inatasan nito ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang suspension order at dapat ipagbigay-alam sa korte ang aksyong ginawa nito sa loob ng 15-araw matapos matanggap ang kutusan.

Base sa impormasyon na inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan, May 2004 ay nakipagsabwatan umano si Catamco sa kanyang mga kapwa akusado na sina Poro Cebu Municipal Mayor Edgar Rama at Pompey Perez at ilan pang miyembro ng Municipal Council na kanya ring kasosyo sa Perzebros Company.

Sa kumpanya umano ni Catamco at partner niya ibinigay ang award para sa pagbili ng P5-milyong kontrata para sa mahigit 3,000 bote ng Vitacrop liquid organic fertilizers na nagkakahalaga ng P1,500 kada bote na hindi naman duma-an sa public bidding at wala   ring rekomendasyon ang Bids and Awards Committee.

Bukod dito, lumalabas na overpriced umano ng pres­yo ng biniling fertilizer ng P1,092 kada bote.

Nilinaw naman ng korte na balido ang impormas-  yon ng Ombudsman at nang­yari o nagawa ito sa panahon ng panunungkulan ng gobernador bilang public officer.

Si Catamco ay 3-term congressman at nahalal bilang governor ng North Cotabato noong nagdaang May elections.

vuukle comment

NANCY CATAMCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with