^

Probinsiya

Police corporal binoga ng tandem, todas

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Police corporal binoga ng tandem, todas
Kinilala ni Lanao del Norte police director Police Colonel Rene Solidarios ang biktima na si Police Corporal Richard Garcia Gordiones, 30 anyos, na hindi na umabot nang buhay sa provincial hospital ng Kapatagan.

Mag-iinspeksyon sa voting precinct

MANILA, Philippines — Isang police corporal ang namatay matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang patungo sa pag-iinspeksyon  sa voting precincts sa Kapatagan bayan ng Lanao del Norte kamakalawa.

Kinilala ni Lanao del Norte police director  Police Colonel Rene  Solidarios ang biktima na si Police Corporal Richard Garcia Gordiones, 30 anyos, na hindi na umabot nang buhay sa provincial hospital ng Kapatagan.

Lumalabas na dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa bisinidad ng Brgy. Panoloon ng bayan ng Sapad, Kapatagan.

Ayon kay Gordiones, ang biktima ay nakatalaga sa Kapatagan at nagpapatrul­ya sa naturang area bilang bahagi ng kanyang assignment para magbigay ng seguridad sa voting centers sa naturang bayan para ngayong eleksyon.

Nilinaw naman ni So­lidarios, na ang pag­patay sa biktima ay wa­­lang kaugnayan sa eleksyon dahil sa bago pa maganap ang pamamaril ay binalaan na si Gordiones ng Lanao del Norte police intelligence unit na may banta sa kanyang buhay at kanyang pamilya mula sa isang drug personality na napatay sa anti-drug police ope­rations.

Walong taon na nasa serbisyo ang biktima at nakatalaga sa Kapatagan police’s drug enforcement unit at aktibo din sa anti-drug operation.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with