^

Probinsiya

3 sasakyan inararo ng trak: Driver, pahinante dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Patay ang isang driver at kanyang pahinante makaraang araruhin ng kanilang sinasakyang dump truck ang tatlong sasakyan at gusaling pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Zone 1 ng bayang ito.

Kinikilala pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga biktimang sakay ng Shacman dump truck na nakarehistro sa isang John Jose De la Torre ng San Miguel, Bulacan habang ginagamot sa Dona Marta Hospital si Gilbert Villamael, pool maintenance na driver ng Kawasaki Bajaj tricycle na unang binangga ng nasabing trak.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:20 ng umaga ay nawalan ng kontrol ang dump truck habang binabagtas ang highway at binangga ang tricycle ni Villamael saka inararo ang motorsiklo nina Remegio Damian at Juesa Aguilar at tuluyang binangga ang Joemix building na pag-aari ng Atimonan LGU. Dahil sa matinding pagkakaipit sa loob ng unahan ng trak, agad na namatay ang driver at pahinante.

vuukle comment

QUEZON ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with