^

Probinsiya

Kawani ng city hall, tiklo sa drug raid

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga pulis ang isang 41-anyos na kawani ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon City matapos makuha sa kanyang bahay ang ilang sachet ng shabu at baril sa ginawang search warrant operation sa Purok-1, Brgy. Salog sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Allan “Tuko” Balilo Caubang, residente ng nasabing barangay at empleyado ng Sangguniang Panlungsod na itinuturing na high value target.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ni Gubat RTC Branch 54 Judge Bernado Jimenez, sinalakay ng mga operatiba  ng Sorsogon Police ang bahay ni Caubang.

Sa ginawang pagha­lughog sa bahay ng sus­pek, nakuha rito ang apat na sachet ng shabu, kalibre 38 baril at ilang drug paraphernalia.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST-OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with