^

Probinsiya

Lamay niratrat: 4 dedo, 2 sugatan

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lamay niratrat: 4 dedo, 2 sugatan

MANILA, Philippines — Nabahiran ng dugo ang isang mapayapang lamay matapos mapatay ang apat na katao habang dalawa ang sugatan nang paulanan ito ng bala ng nag-iisang armadong salarin naganap sa Infanta, Quezon nitong Miyerkules ng gabi.

Naisugod pa sa paga-mutan ngunit idineklarang dead-on-arrival ang mga      biktimang sina Herman Cuento, 70; Manuel Cuer­do, 41; Leon Cuento, 73; at Michael Cuento, 41 taong gulang.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Claro M. Recto Memorial District Hospital ang dalawang sugatang biktima na sina  Maximo Cuento, 65 at Napoleon Miras, 68-anyos.

Sa ulat ni CALABARZON Police Director Police Brigadier General Edward Carranza, nangyari ang insidente sa Purok Irrigation, Brgy. Ilog, Infanta, Quezon dakong alas-8:45 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nakikipag­lamay ang mga biktima sa burol ng isa nilang namatay na kapitbahay sa lugar nang biglang sumulpot ang salarin at unang pinuntirya ang biktimang si Michael.

Nang bumulagta si Michael ay nilapitan pa ito ng salarin saka pinaputukang muli upang matiyak na patay na ito.

Samantalang hindi pa nakuntento, bago tuluyang tumakas ay pinagbabaril din nito ang iba pang mga biktima saka mabilis na tumakas na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with