^

Probinsiya

Mag-asawa, anak niratrat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon  , Philippines  —  Sugatan ang mag-asawang magsasaka at ang paslit nilang anak makaraang paulanan ng punglo ng hindi pa nakikilalang suspek habang sila ay nasa loob ng kanilang kubo sa Sitio Ilaya, Brgy. Guis-guis, San Roque, kamakalawa ng gabi. Ginagamot ngayon sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City dahil sa mga tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan sina Manuel Manese, 35, asawang si Annaliza, 39, at anak nilang si Jude (’di tunay na pangalan), 2-anyos. Sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi habang nagkukwentuhan ang mag-asawa nang paulanan ng punglo ng suspek mula sa labas ng kanilang bahay. 

Natutulog naman ang paslit nang tamaan din ng bala sa braso. Inaalam ng pulisya ang motibo sa tangkang pagpatay sa mag-anak.

vuukle comment

AHOOTING

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with