^

Probinsiya

4 utas, 10 huli sa Comelec checkpoint!

Boy Cruz, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
4 utas, 10 huli sa Comelec checkpoint!
Puspusan na ang ginagawang pagmomonitor ng PNP at Comelec sa mga checkpoints sa Lingayen, Pangasinan sa unang araw ng election period upang matiyak ang seguridad at katahimikan sa lalawigan para sa nalalapit na mid-term elections.
Cesar Ramirez

Unang araw ng ‘gun ban’

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Apat na armadong lalaki ang napatay sa magkakahiwalay na engkwentro laban sa mga pulis sa unang araw ng implementasyon ng Comelec gun ban checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon kahapon.
Sa report na ipinalabas ni Chief Supt. Joel Coronel, Central Luzon Police director, dalawang ’di kila­lang lalaki ang napaslang sa checkpoint ng Brgy. Graceville, San Jose del Monte City, Bulacan matapos makipagratratan nang tumangging ihinto ang kanilang motorsiklo dakong-alas 1:15 ng madaling araw. Isang cal. 45 pistol at paltik na cal. 38 revolver ang narekober sa mga napatay na suspek.

Samantala sa Angat, Bulacan, nasabat sa checkpoint sina Cristopher Dela Torre, 43, at Ronnie Noto, 36, lulan ng motorsiklo saka pinahinto at habang sinisiyasat ay napansin ang nakalawit na bala ng 9mm kalibre sa braso ng isang rider. Nang hanapan sila ng dokumento ay walang maipakita kaya tuluyan silang inaresto. Arestado rin ang walong iba na nakasakay sa isang traysikel na kolong-kolong na nagtataglay ng open pipe na tambutso dahil napatuna­yang pawang lango sa alak.

Sa San Antonio, Nueva Ecija, napatay din ang isang ‘di pa nakikilalang armado na nanlaban sa checkpoint sa Brgy. Luyos dakong alas-5:50 ng umaga. Isang cal. 38 revolver na paltik ang narekober sa suspek. 

Sa Gapan City, bumulagta pa ang isa sa dalawang karnaper matapos na maki­pagbarilan sa mga nakabantay na pulis sa checkpoint sa Brgy. Sto. Cristo Norte. 

Ayon kay Coronel, nakatakas ang isa sa mga karnaper na kapwa noon nagmamaneho ng tig-isang motorsiklo. Nasamsam sa napatay ang isang cal. 38 revolver, dalawang sachet ng shabu at motorsiklong pag-aari ni Keanu Nuñez na nagreport sa insidente.

vuukle comment

GUN BAN CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with