^

Probinsiya

Motorsiklo salpok sa tractor: 3 patay!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo salpok sa tractor: 3 patay!

MANILA, Philippines — Tatlong menor-de-edad ang nasawi matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang tractor sa panulukan ng Digos Diversion at San Jose Dawis Road sa Digos City, lalawigan ng Davao del Sur, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Digos police director Supt. Deozar Almasa, dakong alas-11:45 ng gabi nang bumangga sa farm tractor na ga­ling sa isang transport terminal ang walang plakang motorsiklo na Honda na minamaneho ni Ken Mark Cabusao, 15-anyos habang angkas ang mga biktimang sina Justice Gallarde, 16; Ronnie Balasbas at isang ‘di pa kilalang ginang.

Sina Gallarde, Ba­lasbas at kasama ni­lang babae ay kapwa idineklarang dead-on-the-spot habang si Cabusao ay malubhang nasugatan at nilalapatan ng lunas sa Davao del Sur Provincial Hospital (DSPH).

Ayon kay Almasa, ‘tumakas ang driver ng tractor matapos ang insidente pero nakuha ang plate number nito.  Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo habang walang ilaw ang tractor kaya ‘di napansin ng driver sanhi ng salpukan.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with