‘Top 6 target’ huli sa raid
ANGELES CITY, Philippines — Arestado ang isa sa hinihinalang riding-in-tandem na sangkot sa serye ng krimen sa lungsod matapos na salakayin ng pinagsanib na puwersa ng City Intelligence Branch, Police Station 5, CIDG at City Investigation and Detective Management Branch ang hideout nito sa Brgy. Cutcut kamakalawa.
Sa ulat sa tanggapan ni P/Chief Insp. Fercel Delloria, hepe ng Police Station 5, kinilala ang suspek na si Antonio Maranang, 36, walang trabaho, umano’y “Top 6 Priority Target” ng Angeles City Police Office at residente ng Purok 1, Brgy. Cutcut.
Siya ay inaresto dakong alas-4:30 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad sa bahay nito ang search warrant na inilabas ni Presiding Judge Omar Viola, ng Angeles City RTC Branch 58. Nasamsam sa raid ang isang cal. 38 baril na may limang bala, limang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
- Latest