^

Probinsiya

Mag-iina pinasok, sinaksak ng napindehong kapitbahay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan  , Philippines  —  Malubhang sugatan ang isang 49-anyos na misis sa pagsalag ng mga saksak sa pagprotekta sa kanyang mga anak na paslit sa pana­nalakay ng kapitbahay na nagtangkang mag-masaker sa kanila dahil sa pang-aagaw ng asawa sa Brgy. Centro 3, Claveria, Cagayan noong Huwebes. ?Sa report, tinangka ni Lito Carillo, 36, may-asawa, na iligpit si Gng. Imelda Fernandez at mga supling nitong edad 7, 8 at 10 upang ipaghiganti ang ginawang pangangaliwa ng mister ng una at misis ng suspek.?

Ayon sa pulisya, pinasok ni Carillo ang kuwarto ng mag-iina habang natutulog dakong alas-8:30 ng gabi. ?Nagtamo ng mga saksak sa likuran at mga braso ang ginang at nang makatiyempo ay nasipa nito ang ari ni Carillo at nabigyan sila ng pagkakataong makatakbo at humingi ng saklolo. ?Kinuyog naman ng mga kapitbahay ang suspek bago isinuko sa pulisya habang isinugod si Fernandez sa Northern Cagayan District Hospital upang magamot. Ligtas sa nasabing insidente ang mga bata.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with