^

Probinsiya

Karnaper bulagta sa checkpoint

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay ang hinihinalang karnaper habang sugatan ang isa pa matapos silang kumasa sa mga pulis na nagsagawa ng checkpoint sa crossing ng Dualing, Aleosan, ng lalawigan kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Samsoden Datuali Abdil alyas “Taya Abdullah”, 25, habang sugatan ang kasama nito na si Antar Salik Madidis, 21, pawang taga-Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato.

Ayon sa Aleosan Police, nagsagawa ng surprise checkpoint ang mga pulis matapos makatanggap ng report na dadaan ang mga suspek sa lugar sakay ng isang kulay itim na Skygo motorcycle. Plano umano ng mga suspek na magnakaw ng motorsiklo sa mga bayan ng Aleosan, Pikit at Midsayap ngunit nang makita nila ang mga pulis sa gilid ng national highway ay agad nilang pinaputukan sanhi ng barilan at ikinabulagta ni alyas Taya Abdullah habang nasugatan si Madidis.

Nakuha mula sa dalawa ang dalawang unit ng cal. 45 pistol, magazines at mga bala at isang fragmentation grenade. 

vuukle comment

CARNAPPING

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with