^

Probinsiya

3 sundalo sugatan sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 sundalo sugatan sa encounter
Ayon kay Captain Patrick Jay Retumban, spokesperson ng 2nd Infantry Division (ID) ng Phl Army, dakong alas-11:30 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ni 1st Infantry Battalion (IB)-PA Commanding Officer Lt. Col. Jonathan Manio ang mga rebeldeng NPA sa nasabing lugar.
File Photo

MANILA, Philippines — Tatlong sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang nasa 20 na rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagresulta upang makubkob ang kampo ng komunistang grupo sa isang liblib na lugar sa Brgy. San Bueno, Sampaloc, Quezon kamakalawa.

Ayon kay Captain Patrick Jay Retumban, spokesperson ng 2nd Infantry Division (ID) ng Phl Army, dakong alas-11:30 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ni 1st Infantry Battalion (IB)-PA Commanding Officer Lt. Col. Jonathan Manio ang mga rebeldeng NPA sa nasabing lugar.

Nauna rito, nakatang­gap ng report ang tro­pa ni Manio hinggil sa presensya ng mga ar­ma­dong rebelde na na­ngo­­ngotong ng pera at pagkain sa mga residente sa lugar kaya agad silang nagresponde. Papasok pa lamang ang mga sundalo sa lugar ay sinalubong na sila ng mga putok mula sa mga rebelde na nauwi sa 30 minutong bakbakan na ikinasugat ng tatlong sundalo na hindi pa pinanga­lanan. Mabilis na nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang mga sugatang kasamahan.

Narekober sa lugar ang isang M16 rifle na kargado ng magazine at mga bala. Nakubkob din ng militar ang pinagkuku­taan ng mga rebelde ma­tapos na tugisin ang mga tumatakas na kalaban.

Nakuha sa kampo ng mga rebelde ang mga personal na kagamitan, mga armas pandigma at mga pagkain.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with