^

Probinsiya

SUV swak sa bangin: Ex-mayor dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
SUV swak sa bangin: Ex-mayor dedo
Patay ang isang da­ting alkalde ng Camarines Sur habang suga­tan ang tatlo pa katao kabilang ang isang incumbent vice mayor at konsehal makaraang aksidenteng mahulog sa matarik na bangin ang kanilang sinasak­yang SUV sa bahagi ng Andaya national sa Ragay, nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

MANILA, Philippines — Vice mayor, konsehal at bodyguard sugatan

Patay ang isang da­ting alkalde ng Camarines Sur habang suga­tan ang tatlo pa katao kabilang ang isang incumbent vice mayor at konsehal makaraang aksidenteng mahulog sa matarik na bangin ang kanilang sinasak­yang SUV sa bahagi ng Andaya national sa Ragay, nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Arnel Escobal, kinilala ang nasawi na si da­ting Milaor Mayor Andre Hidalgo, 65-anyos.

Patuloy namang ni­la­lapatan ng lunas sa Ragay District Hospital ang mga sugatang sina Senan Bermas, 50, kasalukuyang vice mayor ng Ragay; Robert Cano, 36, dating viice mayor ng bayan at ngayo’y incumbent municipal councilor, at bodyguard na si Vicente Claro, 36.

Ang driver namang si Noel Mariquit  ay masuwerte na bahagyang mga gasgas lamang ang tinamo sa katawan.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw nang mangyari ang trahedya sa F. Semion, Ragay habang lulan ang mga biktima ng Toyota Fortuner na minamaneho ni Mariquit.

Galing sa Maynila at pabalik na sa Milaor ang mga biktima at habang binabagtas ang Andaya national highway nang aksidenteng bumangga ang kanilang sasakyan sa bakal na barandil­ya sa tabi ng highway sa kaliwang bahagi.

Bunga nito, tuluy-tuloy na nahulog sa matarik na bahagi ng highway ang behikulo.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with