^

Probinsiya

Computer shop pinasok: Trader inutas, utol ni-rape

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Computer shop pinasok: Trader inutas, utol ni-rape
Ayon sa pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi nang pasukin ng dalawang ‘di kilalang lalaki na armado ng baril ang 3KA Computer Shop at ikinulong sa palikuran ang mga kustomer at bantay ng shop matapos makulimbat ang kanilang cellphone at pera.?

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang negos­yante na may-ari ng isang computer shop matapos nitong tangkaing saklolohan ang kanyang kapatid na dalaga na ginagahasa ng mga nanloob sa kanilang puwesto habang ikinulong ang iba pang kustomer sa loob ng palikuran ng nasabing shop sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela noong Linggo.?

Ayon sa pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi nang pasukin ng dalawang ‘di kilalang lalaki na armado ng baril ang 3KA Computer Shop at ikinulong sa palikuran ang mga kustomer at bantay ng shop matapos makulimbat ang kanilang cellphone at pera.?

Bukod dito, pinagbabaril ng mga suspek ang may-ari na si Arwin Ian Magtanong, 24, nang tangkain nitong saklolohan ang 19-anyos niyang kapatid na halinhinang ginahasa ng mga salarin.?

Matapos ang pag-atake sa lugar, tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo habang isinugod sa hospital sa Santiago City ang biktima kung saan siya idineklarang patay at nanatiling tulala ang dalaga matapos ang krimen.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with