^

Probinsiya

SUV at kotse nagsalpukan: 4 patay

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon
SUV at kotse nagsalpukan: 4 patay
Ayon sa ulat ng Zambales Provincial Police Office, dakong alas-2:40 ng hapon habang binabag­tas ng isang kulay abong Montero Sport (UQI 990) at To­yota Vios (VDX 231) ang national highway sa magkabilang direksyon nang biglang mag-over take ang Toyota Vios na minamaneho ni Danilo Ladrigan.
File Photo

ZAMBALES, Philippines — Apat na katao ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan matapos na magbanggaan ang isang SUV at kotse sa Brgy. San Rafael, bayan ng Cabangan  kahapon.

Ayon sa ulat ng Zambales Provincial Police Office, dakong alas-2:40 ng hapon habang binabag­tas ng isang kulay abong Montero Sport  (UQI 990) at To­yota Vios (VDX 231) ang national highway sa magkabilang direksyon nang biglang mag-over take ang Toyota Vios na minamaneho ni Danilo Ladrigan.

Hindi na nakaiwas si Gilbert Elorde, nagma­ma­neho at may-ari ng Montero Sport sa gina­wang pag­salubong ni Ladrigan na naging sanhi ng aksidente.

Dead-on-the-spot si Ladrigan at misis nito na si Jo Rubylyn Panoy; isang Camille Lapuz, 22; ng Brgy. Burgos, San Marcelino at Maria Ofelia Ebue. Himala namang nakaligtas ang kanilang 2-taong gulang na anak na babae.

Agaran namang si­nu­god si Elorde sa Pre­sident Ramon Magsaysay Memorial Hospital (PRMMH) sa Iba matapos magtamo ng maraming pinsala sa katawan habang ang iba pang pasahero na sina Noralyn Zepeda, 46; at Elmer Quintero, 53; ay isinugod sa Sta. Cecilia Medical Center sa Iba.

Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon na “human error” ang na­ging sanhi ng aksidente na patuloy na iniim­bes­tigahan ng Cabang­an Municipal Police. (Joy Cantos)

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with