^

Probinsiya

Dalagang fresh grad, utas sa 22 saksak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Dalagang fresh grad, utas sa 22 saksak
Ang 20-anyos na biktima na si Shanmaine Pestaño sa kanyang toga picture.

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 20-anyos na dalaga na kaka-grad­uate lang kamakailan sa kursong Finacial Management   sa kolehiyo matapos siyang walang awang tadtarin ng saksak ng dalawang ‘akyat-bahay’ naganap kamakawala ng madaling araw sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Nalagutan ng hini­nga habang ginagamot sa ospital sanhi ng 22 saksak na tinamo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Shanmaine Pestaño, residente ng Aqua St. Camella North Springville, ng naturang lugar.

Boluntaryo namang sumuko sa mga otoridad ang isa sa mga suspek na kinilalang si Andrew T. Bagawasan, 23, matapos na makatunog na natunton na ng mga pulis ang kanyang pinagtataguan.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:15 ng mada­ling araw, habang mahim­bing na natutulog ang dalaga kasama ang walong taong gulang niyang pamangkin nang pasukin ng mga suspek ang bahay na nagdaan sa sinirang bintana sa ikalawang palapag.

Naalimpungatan umano ang biktima sa mga kaluskos ng mga suspek at nang makita siya ng mga suspek ay dito na siya pinagtulungang pagsasaksakin na umabot sa mahigit dalawampung beses hanggang sa du­guang bumulagta.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen na tangay ang mga pera, alahas, cellphone at iba pang mahahalagang gamit.

Naisugod pa sa pa­gamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang siya’y ginagamot dahil sa dami ng saksak na kanyang tinamo.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa kasama ni Bagawasan.

vuukle comment

SHANMAINE PESTAñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with