^

Probinsiya

Operator ng Napocor, 1 pa natusta sa kidlat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang operator ng National Power Corporation (Napocor) ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan makaraang aksidenteng tamaan ng kidlat ang isang bangka na nakadaong sa pantalan ng Calbayog City, Samar nitong Huwebes ng tanghali.

Kinilala ang mga namatay na kapwa nasunog ang mga katawan na sina Reynaldo Delabajan, 28 anyos, operator ng Napocor at residente ng Sto. Niño, Samar at Pedro Alimoot, 26, mangingisda ng Brgy. Costa Rica, nasabing bayan.

 Inaalam pa ang pangalan ng dalawang nasu­gatan matapos isugod sa pagamutan.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8, pasado alas-12 ng tanghali habang nakaupo at nag-uusap sina Delabajan at Alimoot sa gitna ng nakadaong na bangka nang biglang kumidlat ng malakas matapos na biglang umulan. 

Sa kamalasan, nasapol ang dalawang biktima ng kidlat na tumama sa bangka kung saan ay agad silang namatay habang nadamay ang dalawa na nasa ’di kalayuan.

vuukle comment

NATIONAL POWER CORPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with