^

Probinsiya

‘Di nagbayad ng utang, inutas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay , Philippines  —  Napatay noon din ang isang 36-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang inutangan sa harap ng mga kainuman nang hindi umano makapagbayad sa suspek sa Zone 6, Brgy. Old Moriones sa bayan ng Ocampo, Cam Sur noong Miyerkules ng madaling araw.  Napuruhan sa ibat-ibang bahagi ng katawan na agad na ikinasawi ng biktimang si Jun-Jun Gedangoni Sr. habang tumakas at pinag­hahanap na ngayon ang suspek na kinilalang si Edwin Obias pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat na natanggap ng Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-3:00 ng madaling araw, habang nag-iinuman ang biktimang si Gedangoni, Obias at ilang mga kaibigan sa bahay ng isang nagngangalang Richard Canchela, naungkat ng suspek ang pangungutang ng biktima sa kanya na isang linggo nang sinisingil pero hindi makapagbayad.  Gayunman, nabigla ang mga kainuman nang biglang bumunot ng patalim si Obias at pinagsasaksak sa kanilang harapan ang biktima na agad nasawi.

vuukle comment

NAPATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with