^

Probinsiya

3-anyos pinatay sa bugbog ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 3-anyos na batang lalaki matapos na mapaslang sa pambubugbog ng sadista nitong ama sa Brgy. Maligaya, Rosario, Batangas nitong Biyernes.

Sa report ng Batangas Police, kinilala ni Calabarzon Police office Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang nasawing biktima na si Miko Alaro na idineklarang dead-on-arrival sa MVM Hospital sa Rosario, Batangas sanhi ng hematoma o malalalim na sugat at pamumuo ng dugo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy namang pi­naghahanap ang suspek na si John Ross Lumawang Alaro na mabilis na tumakas matapos ang pagpatay sa sariling anak na paslit at nahaharap ngayon sa kasong parricide.

Sa inisyal na ulat, napundi umano ang ama sa pag-iyak ng anak kung kaya napagdiskitahan nitong bugbugin at iumbag sa dingding. Tinantanan lamang ng suspek ang anak sa panggugulpi nang makitang hindi na gumagalaw ang huli habang duguan ang mukha at may matinding sugat sa ulo na kanyang ikinasawi.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

KAMATAYAN

SADISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with