^

Probinsiya

Kuya pinagtataga ni utol, grabe

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang caretaker ang malubhang nasugatan matapos na pagtatagain ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Brgy. Marahan Alfonso, ng lalawigang ito.

Ang biktima na inilipat na sa Tagaytay Hospital sanhi ng grabeng kalagayan ay nakilalang si Orlando Cruto, 40, may asawa, nakatira sa nasabing lugar habang pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na suspek na si Zaldy Cruto, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente habang nagpapahinga sa may labas ng kanilang bahay ang biktima.

Nasa may gilid naman ng kanilang bahay ang suspek na naghahasa ng itak. Nang masiguro ng suspek na matalas na ang bolo, dito na niya sinugod ang kuya at pinagtataga sa ulo.

Nasalag naman ng kuya ang mga taga ng nakababatang kapatid sanhi upang malubhang masugatan sa kamay. Nang makitang duguan ang biktima, mabilis na tumakas ang kanyang utol.

vuukle comment

STABBED BY BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with