^

Probinsiya

Abogado tinodas sa ‘Bitukang Manok’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon  , Philippines  — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang abogado makaraang ratratin ng hindi pa nakikilalang mga gunmen sa entrada ng Old Zigzag Rd o mas kilala bilang ‘Bitukang Manok’, Maharlika Highway, sa Brgy Malinao Ilaya sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.  Kinilala ni PC/Insp. Alexis Nava, chief of police dito ang biktima na si Atty.Henry Joseph Herrera y Labrador, 33, may asawa, at residente ng isang bayan sa Bicol Region.  Batay sa inisyal na pagsisiyasat, dakong alas 3:15 ng madaling araw ay minamaneho ng biktima ang kanyang Toyota Fortuner kasama ang asawa at dalawang anak at tinatahak ang direksyon ng Maynila.  Pagsapit sa entrada ng Old Zigzag Rd. ay nag-cut sa bandang kanan ang isang sasakyan at pinaulanan ng punglo ang sinasakyan ng pamilya. Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan ngunit idineklara ring dead-on-arrival.  Blanko pa ang mga otoridad sa motibo ng pamamasalang.

vuukle comment

BITUKANG MANOK

DEAD-ON-ARRIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with