^

Probinsiya

5 Abu dedo sa encounter

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng teroristang Abu Sayyaf makaraang makasagupa ang tropa ng Marine Battalion Landing Team 3 sa bahagi ng Bud Bawis, bayan ng Panamao, Sulu kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ni Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, dakong alas-4:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng rescue operations sa mga nalalabi pang bihag nang makasagupa ng Philippine Marines ang grupo nina Abu Sayyaf Sub-leader Sansibar Bensio at Hatib Munap Binda.

Nabatid na nadehado sa lakas ng puwersa ng tropa ng militar ay napilitang magsitakas ang mga terorista na ina­bandona ang mga napaslang na kasamahan na kinilalang sina Mikdak Juhurim, Anninb Black, Tasom Hammiri, at si Undil Husin.

Narekober sa encounter site ang apat sa bangkay ng Abu terrorist at isang M14 Armalite rifle habang ang isa pang napaslang ay nabitbit ng mga nagsitakas na kasamahan base na rin sa pahayag ng mga tipster na sibilyan sa nasabing lugar.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue ope­rations ng militar sa nalalabi pang 10 bihag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with