^

Probinsiya

Pista pinasabugan: 9 sugatan

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na katao kabilang ang isang barangay tserman ang iniulat na nasugatan makaraang sumambulat ang inihagis na granada ng hindi pa nakilalang lalaki sa gitna ng kasayahan sa piyesta ng Banisilan, North Cotabato nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga na­sugatan na sina Brgy. Pantar Chairman  Sonny Kadil,  anak nitong si Kingboy Kadil, Jeffrey Salunayan, Jun Amad, Samrod Mamocao, Datu Ali Mamocao, Geradin Pana­ngulo, Pedro Labaosares at Ismael Cañido.

Ang mga biktima ay mabilis namang isinugod sa pagamutan ng rescue team upang malapatan ng lunas.

Ayon kay Supt. Bernard Tayong, Spokesman ng North Cotabato Police, dakong alas -8 :45 ng gabi nang mangyari ang pagsabog na itinaon sa kapiyestahan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, nangyari ang pagsabog ilang minuto matapos  mag-brownout sa lugar kung saan isang lalaki ang naghagis ng MK2 fragmentation grenade na bumagsak sa isang booth sa lugar.

Nasugatan naman sa pagsabog ang walo kataong nakikipagsayahan sa nasa­bing piyesta. Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ang mga nasugatan ay mga kapamilya ni Kadil at mga supporters nito.

Isinasailalim na sa masu­sing imbestigasyon ang motibo ng krimen kung saan kabilang sa sinisilip na anggulo ay rido.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with