^

Probinsiya

14-anyos dinedo sa computer shop

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Napatay ang 14-anyos na binatilyong sinasabing pasaway sa kanilang lugar matapos itong barilin ng hindi kilalang lalaki habang naglalaro sa computer shop sa Barangay Poblacion, bayan ng Cabatuan, Isabela kamakalawa.  Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Prospero Agonoy, hepe ng Cabatuan Police Station, napuruhan sa ulo ang biktimang si Harold Gazmin. ?Ayon kay Agonoy, pinasok ng gunmen ang computer shop saka niratrat ang biktimang naglalaro ng dota. Nagsisigaw at nagtakbuhan ang iba pang parukyano ng computer shop habang kaswal na naglakad palabas ang gunmen na animo’y walang naganap na pamamaril. Ayon sa pulisya, wala sa drug watchlist ang biktima maliban sa kalimitang ito ay nasasangkot sa gang war at pangungursunada.

vuukle comment

NAPATAY

POLICE REPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with