^

Probinsiya

Negosyanteng pulis, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang negosyanteng pulis matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang la­laki sa loob ng kanyang sikat na resto bar sa Barangay Centro 2, bayan ng Lasam, Cagayan noong Sabado ng gabi.?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ramil Alipio, hepe ng Lasam PNP, kumakain ang biktimang si SPO1 Ronel Saturno sa kusina ng pag-aaring resto bar nang bulabugin siya ng mga putok dakong alas-7 ng gabi.?

Pinadadapa ni SPO1 Saturno ang kanyang mga customer nang pagbabarilin siya ng mga hindi kila­lang lalaki na nagpanggap na customer sa nasabing restaurant.

Ayon kay P/Senior Supt Andres Sinaon, Qurino PNP director, si SPO1 Saturno ay nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Saguday at kasalukuyang nasa schooling.

Noong 2011 ay nabig­yan si SPO1 Saturno ng parangal ni Regional Police Director P/Chief Supt. Rodrigo de Gracia bilang isa sa 10 Outstanding Policeman sa Cagayan Valley.

vuukle comment

ACIRC

BARANGAY CENTRO

CAGAYAN VALLEY

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

LASAM

OUTSTANDING POLICEMAN

RAMIL ALIPIO

REGIONAL POLICE DIRECTOR P

RONEL SATURNO

SATURNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with