^

Probinsiya

Military detachment hinaras ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang sundalo ang nasugatan habang minalas namang mapatay  ang ka-live-in nito makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army ang detachment ng militar sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao del Sur kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang sugatang sundalo na si M/Sgt Ruel Mahilum habang inaalam ang pagkakakilanlan ng ka-live-in nito.

Sa ulat ng Army’s regional command, naganap ang insidente sa himpilan ng Bravo Company ng 73rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Caburan Small, Jose Abad Santos dakong alas-4 ng mada­ling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang pinaulanan ng bala ng mga rebelde ang nasabing detachment.

Sa kasagsagan ng pagpapaulan ng putok ay nasugatan si Mahilum habang minalas namang masapul ng tama ng bala ang kanyang ka-live-in.

Nagsasagawa na ng operations ang tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebelde na sangkot sa marahas na pagsalakay sa nasabing detachment.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRAVO COMPANY

CABURAN SMALL

DAVAO

INFANTRY BATTALION

ISANG

JOSE ABAD SANTOS

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

SGT RUEL MAHILUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with