^

Probinsiya

18-anyos hinoldap na, hinalay pa

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Dobleng kahirapan ang dinanas ng 18-anyos na kawani ng pabrika ng pagkain matapos itong holdapin ay hinalay pa ng isang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa madamong bahagi ng Barangay Pantoc, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga.

Pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng biktima sa pangalang Aya, kawani ng Nutri Asia Mega Plant at nakatira sa Brgy. Pantoc sa nabanggit na lungsod.

Pormal naman kakasuhan ang naarestong suspek na si Dennis Durot, 30, ng Meycauayan Industrial State sa Barangay Iba sa nasabing lungsod.

Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Lailene Amparo, lumilitaw na papauwi na ang biktima nang harangin at holdapin ng suspek na armado ng patalim.

Matapos na limasin ang pera at aria-rian ay  kinaladkad ng suspek ang biktima sa madamong bahagi saka isinagawa ang maitim na balak.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay namukhaan siya ng biktima kaya kaagad na nasakote ng pulisya sa pangunguna ni P/Senior Insp. June Tabigo-on.

Narekober sa suspek ang mga personal na gamit ng biktima at ang patalim na ginamit sa krimen.

vuukle comment

ANG

AYA

BARANGAY IBA

BARANGAY PANTOC

DENNIS DUROT

JUNE TABIGO

LAILENE AMPARO

MEYCAUAYAN CITY

MEYCAUAYAN INDUSTRIAL STATE

NUTRI ASIA MEGA PLANT

SENIOR INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with