^

Probinsiya

Holdaper todas sa shootout

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Isa sa tatlong armadong lalaki ang nasawi nang kumasa sa mga pulis matapos umanong mangholdap ng pampasaherong  jeepney sa Brgy. San Manuel, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyan pang bineberipika ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nasa­wing suspek dahil sa kawalan ng I.D. nito habang tinutugis pa ang dalawa niyang kasamahan matapos tumakas sa iba’t ibang direksyon .

Ayon sa ulat ni P/Supt. Charlie Cabradilla, dakong alas-10:45 ng gabi, habang nakasakay ang biktimang si Larry Casere, 38, ng Caloocan City sa isang pampasaherong jeep nang pagsapit sa isang gasolinahan sa Brgy. San Manuel ay pumara ang tatlong lalaki saka umupo sa tabi nito.

Agad na tinutukan ng isang .38 revolver ng isa sa mga suspek ang biktima saka puwersahang kinulimbat ang personal na gamit nito. 

Maging ang drayber ng jeep ay kinuha rin ang pitaka nito na naglalaman ng pe­rang kinita. Nang mapadaan sa isinasagawang police checkpoint, kaagad na tuma­lon ang tatlong suspek na napansin nina P/Insp. Marvin Miravelles at P/Insp. Rex Belli Tamani ang kaguluhan.

Dito na hinabol ang mga kawatan at nang makorner ang isa sa suspek ay agad nitong binaril ang mga pulis na nagresulta ng barilan na ikinabulagta ng suspek habang  nakatakas ang mga kasamahan.

Narekober ang mga nakuhang gamit sa biktima at ang .38 kalibreng baril ng napatay na suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

CHARLIE CABRADILLA

LARRY CASERE

MARVIN MIRAVELLES

REX BELLI TAMANI

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SAN MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with