^

Probinsiya

Swiss tumalon sa hotel, utas!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Basag ang bungo at nag­kabali-bali ang buto ng isang 52-anyos na Swiss national matapos na tumalon mula sa ikalimang palapag ng hotel na kanyang tinutuluyan sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga nitong Biyernes.

Idineklarang dead-on-the-spot ang biktima na si Daniel Rolf Balmer nang  maunang tumama ang kanyang ulo sa ibaba malapit sa may swimming pool ng tinutuluyang Queens Hotel sa Sta. Maria 1 Subdivision, Brgy. Balibago.

Sa ulat ni Sr. Supt. Eden Ugale, director ng  Angeles City Police, dakong alas -10 ng umaga nang maganap ang insidente.

Ayon sa pulisya, regular na kustomer si Balmer sa Queens Hotel sa loob ng nakalipas na ilang taon kung saan madalas siyang mag-checkin dito kasama ang umano’y transgender na si Jinalyn Larazo Mustacho.

Wala umano si Mustacho sa hotel room 505 at lumabas para bumili ng pagkain  nang maganap ang pagpapatiwakal ng dayuhan. Huling nakitang buhay si Balmer nitong Huwebes ng gabi habang masayang kasama ni Mustacho.

Ayon kay Mustacho, maraming beses nang nagtangkang magpakamatay ang nasabing dayuhan subalit napipigilan niya ito.

Natagpuan ng mga im­bestigador sa hotel room ang mga nirolyong papel at ilang stick ng marijuana na maaa­ring ginagamit ng biktima.

Inaalam ng pulisya kung nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot ang biktima bago nagpatiwakal at kung may “foul play” sa insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELES

ANGELES CITY

ANGELES CITY POLICE

AYON

BALMER

BRGY

DANIEL ROLF BALMER

EDEN UGALE

MUSTACHO

QUEENS HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with