^

Probinsiya

2 trak, sawmill sinunog ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang nawasak matapos na sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  ang dalawang truck at isang mini sawmill sa compound ng barangay kagawad sa bayan ng Trento, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga. Ayon kay P/Supt. Martin Gamba, spokesman ng Caraga PNP, naganap ang insidente sa compound ni Kagawad Cecilia Tiu sa Purok 1, Barangay Manat sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon, lumitaw na sinalakay ng mga armadong rebelde ang nasabing coumpound  kung saan agad binuhusan ng gasolina ang dalawang Isuzu Elf truck na may plakang GSA-133 at LBP 810, isang mini sawmill at iba pang kagamitan  saka sinilaban. Pinaniniwalaan patuloy na hindi  nakapagbigay ng revolutionary tax ang isa sa motibo ng mga rebelde habang patuloy na tinutugis ng Army’s 66th Infantry Battalion at pangkat ng PNP ang grupo na sangkot sa pananabotahe.

vuukle comment

AABOT

AGUSAN

ANG

AYON

BARANGAY MANAT

CARAGA

INFANTRY BATTALION

ISUZU ELF

KAGAWAD CECILIA TIU

MARTIN GAMBA

NEW PEOPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with