^

Probinsiya

Bakasyunista ninakawan, pinatay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang 27-anyos na bakasyunistang dalaga na sinasabing makikipiyesta matapos itong dukutin ay pinagtulungang saksakin ng mga di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay Rangas, bayan ng Juban, Sorsogon. Napag-alaman na ang biktimang si Merydita Moneo ay hinihintay ng mga kamag-anak na darating mula sa Maynila Metro Manila sakay ng pampasaherong bus. Nabatid na ang biktima ay umuwi sa kanilang bayan upang dumalo sa kapistahan ng kanilang barangay subalit natagpuan itong nakabulagta sa tabi ng ilog. Nagulantang na lamang ang kapamilya ng dalaga nang makarating sa kanila ang impormasyon na natagpuang patay ang biktima. Nawawala rin ang mga gamit ng dalaga na pinaniniwalaang tinangay habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

vuukle comment

BARANGAY RANGAS

JUBAN

MAYNILA METRO MANILA

MERYDITA MONEO

NABATID

NAGULANTANG

NAPAG

NAPASLANG

NAWAWALA

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with