^

Probinsiya

Editor/publisher inutas sa saksak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang Editor/publisher ng isang pahayagan makaraan itong pagsasaksakin sa isang bar sa lungsod ng Masbate nitong Sabado ng mada­ling araw.

Sa ulat, kinilala ni Police Regional Office (PRO) V Spokesperson Sr. Ins­pector Maria Luisa Calubaquib ang nasawing biktima na si  Ariel Verano Lerit, nasa hustong gulang.

Ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Masbate Provincial Hospital.

Nabatid na ang biktima ay Editor/Publisher ng pahayagang Masbate Times sa Masbate City at siya ring tumatayong brgy. chairman sa kanilang komunidad sa Brgy. Anas sa lungsod na ito.

Bandang alas-12:50 ng madaling araw nang maitala ang krimen sa Eighten Seventteen Bar and Grill na matatagpuan sa Ibañez Street, Brgy. J. T. Fernandez  ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang nilapitan ng hindi nakilalang salarin ang biktima saka inundayan ng sunud-sunod na saksak bago ito mabilis na tumakas na sinamantala ang pagkakagulo ng mga kustomer sa nasabing bar.  Sa kasalukuyan, dalawang anggulo ang sinisilip ng mga awtoridad sa motibo ng krimen, una ay alitan sa pulitika at ikalawa ay may kinalaman sa trabaho nito bilang mamamahayag.

vuukle comment

ARIEL VERANO LERIT

BRGY

EIGHTEN SEVENTTEEN BAR AND GRILL

MARIA LUISA CALUBAQUIB

MASBATE CITY

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

MASBATE TIMES

POLICE REGIONAL OFFICE

V SPOKESPERSON SR. INS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with