^

Probinsiya

Mag-asawa ninakawan, kinatay ng akyat-bahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang matanda matapos itong pagnakawan ay pinagtulungang saksakin ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa liblib na lugar sa bayan ng Pangantucan, Bukidnon, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mag-asawa na sina Felipe Etabli, 60; at Lourdes Laurente, 60, kapwa nakatira sa Brgy. Pigtauranan sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na nakarating kay P/Inspector Jiselle Longakit, nadiskubre ng kapatid na lalaki ng matandang babae ang bangkay ng mag-asawa sa kanilang bahay sa Barangay Pigtauranan noong Lunes ng umaga.

Huling nakitang buhay ang mag-asawa noong Sabado ng hapon matapos magtungo sa kabayanan.

Sa teorya ng pulisya na pinaslang ang mag-asawa noong Pebrero 15 ng mada­ling araw base sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO).

Lumilitaw naman sa im­­bestigasyon na pagnanakaw ang motibo dahil nawawala ang perang pinagbentahang kape ng mag-asawa.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY PIGTAURANAN

BRGY

BUKIDNON

FELIPE ETABLI

HULING

INSPECTOR JISELLE LONGAKIT

LOURDES LAURENTE

SCENE OF THE CRIME OPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with