^

Probinsiya

7 NPA patay sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot na sa pitong rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang limang lider ang napaslang makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Brgy. Datu Anggas sa bayan ng Alabel, Sarangani kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang limang lider ng NPA sa mga alyas na Ka Brigol, deputy secretary and political officer; Ka JM, team leader at logistics officer; Ka Jonas/Batot, team leader; Ka Lieutenant, vice team leader at isang Ka Mark, medical officer.

Sa ulat ni Captain Rey Balibagaso ng Army’s 102nd Infantry Brigade, lima ang inisyal na iniulat na napatay pero kahapon ng umaga ay dalawa pang bangkay ang naibaba mula sa encounter site.

Sa pahayag naman ng mga residente, dalawa pa sa mga napaslang na rebelde ang tinabunan ng damo ng mga nagsitakas na kasamahan.

Napag-alamang sumiklab ang bakbakan sa Sitio Tugal matapos makasagupa ng mga rebelde ang tropa ng Army’s 73rd Infantry Batta­lion sa pamumuno ni 2nd Lt. Jerson Sanchez.

Narekober sa encounter site ang siyam na matataas na kalibre ng armas kabilang ang dalawang AK 47 assault rifle, M653, anim na M16 rifle, apat na improvised landmine, dalawang rifle grenade, mga medical equipment, limang radio, 30 backpacks at mga subersibong dokumento.

vuukle comment

CAPTAIN REY BALIBAGASO

DATU ANGGAS

INFANTRY BATTA

INFANTRY BRIGADE

JERSON SANCHEZ

KA BRIGOL

KA JONAS

KA LIEUTENANT

KA MARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with